Uncategorized

Summer Vacation: Manners and Common Sense for Pinoys

manners_1

Mula sa isang pag-uusap kamakailan lamang dahil hindi na ‘common’ ang common sense at manners, my goodness!

Malapit na ang Holy Week/Summer Vacation, time para sa pamilya, pahinga at pagninilay-nilay. Kung may balak, ngayon pa lang dapat nakaplano na ang maaaring gagawin at dapat sana’y (ay dapat pala walang sana) nakaipon na ng budget. Dagdag paalala lang:

1) Kung magbabakasyon sa mga kamag-anak o malalapit na kaibigan, dapat magtanong muna at magpapaalam in advance ng pagbisita (kailan at gaano katagal) at hindi yung ipinapa-alam lang o darating ng bigla dahil malamang may plano din sila diba? The world does not revolve around you chos!

2) Huwag gawing ‘package counter’ na iwanan ng mga anak ang mga kamag-anak o kaibigan dahil responsibilidad po ninyo yun like forever na noh! Tapos magpopost na nag-outing kasama ang officemates o barkada, kahiya naman diba!

3) Tumulong sa gawaing bahay kahit may mga kasambahay at hindi yung tanghali nang gigising – kung nais ‘yan aber sa hotel magstay.

4) Magpasalamat sa pagkaing inihanda at hindi ito dapat pinaghihintay kapag nakahain. Grasya ‘yan at di napupulot – kung ayaw ng nakahain, sa resto kumain.

5) Huwag makalat, maaksaya, maingay, etc. – kung ayaw umayos, umuwi na lang at duon magkalat, mag-aksaya at mag-ingay.

6) Tungkol sa budget naman, dapat may naipon dahil walang libre sa mundo. Maski estudyate ay nakakaipon (dapat) tuwing pasukan at lalo na kung ikaw ay may trabaho na. At hephephep! ‘Wag nang balaking mangutang dahil tulad din ‘yan ng birthdays, anniversaries, graduation, fiesta, etc. alam mong magaganap ito kaya’t dapat nag-iipon ka.

7) Magbigay respeto sa mga makakasama. Isaisip na ang panahong ito ay para sa pagpapahinga, pagninilay-nilay at ika nga ay ‘quality time’ with loved ones. Kung nais nilang magpahinga, huwag nang maging mapaghanap at naising mamasyal ng malayo. Kung nais nilang magsimba, samahan sila. Kung ‘bored’ sa tinutuluyan, pwes, ikaw ang lumabas mag-isa.

O ayan, may ibang basics pa na wala dito pero siguro naman alam na natin at dapat ipractice araw-araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s